7 Reasons Why Philippines is Different from Other Countries

Felicity Blasco
3 min readFeb 10, 2021

--

P.C. The Culture Trip

1. Fiestas

Alam naman natin na ang mga pilipino ay mahilig sa pamimista, karaniwang idinaraos ito upang magbigay pasalamat para sa magandang ani at swerte. Ang mga pilipino talaga ay mahilig dumayo sa iba’t ibang lugar para makisali sa pagdiriwang. Kaya masasabing ito talaga ang isa sa pinaka magandang kultura ng ating bansa, hindi ba?

2. Being Polite

Kinaugalian na talaga ng mga pilipino ang pagsasabi ng po at opo, dahil bata pa lang ay sinanay na tayo kung paano rumespeto at gumalang sa mga taong mas nakakatanda sa atin. Isa ito sa masasabi kong totoo sa kultura natin, ang pagiging magalang ay likas na talaga sa ating mga pilipino.

3. Extended Family

Syempre, hindi mawawala sa pagiging pilipino ang pagkakaroon ng Extended Family o ang pagsasama-sama ng magpapamilya sa iisang bahay kung tawagin. Dahil masayang kasama sina lolo at lola, ate at kuya, isama na natin sila pinsan, hindi ba’t talaga nga namang masaya ito?

Maraming pilipino ang makakarelate dito dahil likas naman talaga sa atin ang pagbobonding dahil para sa atin, tunay ang pagmamahalan ng bawat pamilya kung kayo ay sama-sama.

4. Hospitable

Ang Pilipinas at ang mamamayan nito ay kilala sa pagkakaroon ng tinatawag na ‘Filipino Hospitality’. Totoo ito dahil likas sa atin ang pag-welcome sa mga tao at magserve para ibigay ang mga kailangan nila upang maghatid ng ngiti sa mga ito. Gusto natin na maganda ang bungad ng araw nila at mafeel ang pagiging komportable sa atin.

5. Family First

Nasa dugo ng pagiging pilipino ang pagiging matapang at palaban o kung tawagin ay ‘Pilipino Pride’ hindi sayo sumusuko kahit anong unos pa ang dumating at patuloy lang tayong aahon para sa kinabukasan.

Ito’y aking maihahalintulad sa pamilya. Dahil tayong mga pilipino ay mas nagmamalasakit sa ating mga mahal sa buhay, hindi natin kayang makita ang pamilya natin na naghihirap, hindi ba? Dahil para sa atin, mas pipiliin natin na iahon ang bawat isa at magtulungan sa hirap o sa ginhawa. Mas priority natin ang ating pamilya dahil alam natin na sila lamang ang tanging kayamanan natin habang tayo ay nabubuhay.

6. Filipinos Are Known To Be Religious

Ang mga pilipino ay kilala sa pagiging relihiyoso, sa impluwensya at pagdala pa lamang ng mga dahuyan noong sinaunang panahon ay kasalukuyan pa rin natin itong sinasanay.

Ang pilipinas rin ay kilala sa pagkakaroon ng iba’t ibang rehiyon dahil sa patuloy na pagdaan ng panahon. Hindi mawawala sa atin ang pagiging relihiyoso dahil alam natin na ang diyos ay laging gumagabay anuman ang mangyari kung kaya’t patuloy ang pananampalataya natin sa kaniya. Ang pilipinas rin ay mayroong magagandang simbahan para pagsambahan.

Kinasanayan na rin ang pagdalo sa ilang prosisyon, pista ng mga santo at pagdedeboto.

7. Pagdiriwang ng mahabang pasko

Hindi mawawala sa panghuling listahan ang pagdiriwang ng mahabang pasko. Unang araw pa lamang ng September ay maririning mo na ang ilang kanta ni Jose Mari Chan sa palagid. May mga palamuti at dekorasyon sa tapat ng kanilang mga bahay. Dahil dito natin mas napapakita ang pagpapahalaga sa kahulugan ng pasko.

--

--

No responses yet